Karamihan sa mga Pilipino ngayon ay nahihikayat nang mag-save para sa future o para makompleto ang mga pangarap sa buhay para sa pagsisimula ng pamilya, business, pang-travel at iba pa.
Marami na ring naghahanap ng ibang paraan para mapalago ang pera nang mas mabilis kesa sa pagtatago nito sa savings account.
Kaya naman ang Robinsons Bank ay muling naglabas ng mga bagong investment products na akma raw para sa mga taong nais magsimula ng kanilang investment sa halagang isanlibong piso.
May tatlong funds din na pwedeng mong pasukin gaya ng Payday Money Market Fund, Equity Index Feeder Fund, at Equity Opportunity Feeder Fund.
Ang Payday Money Market Fund ay isang low-risk investment at perpekto para sa mga first-timer. Ang potensyal na kita ng pera mo ay makukuha sa pag-invest sa bank deposits, government-issued securities, at iba pa. Ito ay nirerekomenda kung konserbatibo ang iyong risk appetite. Pwede mo ring gawing regular ang pagpapasok ng pera sa Payday Money Market Fund through regular subscriptions every Payday (15th and 30th of the month).#
Discussion about this post