Maguindanao Schools Divisions, nangangailangan ng 400 new teachers
COTABATO CITY— ABOT SA 400 na mga bagong guro ang kinakailangan ngayon ng Maguindanao Schools Division 1 and 2.
Sinabi ito sa DXMS Radyo Bida ni Minister Mohaqher Iqbal ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education o MBHTE.
Ayon kay Iqbal, ang Sulu schools division naman ay nangangailangan din ng 500 mga bagong guro sa elementary at high school.
Bahagi ito ng paghahanda ng BARMM education office sa pagsisimula ng face to face classes ngayong Agosto.
Sa ngayon ay pinaghahandaan na rin ng mga paaralan sa Bangsamoro Region ang pagsisimula ng Brigada Eskwela kasabay ng enrollment sa July 25.
Sa pagbubukas ng klase, tiniyak ng MBHTE na masusunod ng mga mag-aaral at guro ang ipinatutupad na minimum health standard.